Climate Change at Global Warming: May Pagkakaiba ba?
Dahil sa pagnanais ng tao na mapadali ang kaniyang mga gawain, lumikha siya ng mga teknolohiyang bunga ng siyensiya. At sa pagdali ng mga gawain na noon ay ginagawa lamang ng kamay, dumami ang mga teknolohiya at dumami rin ang epekto ng mga ito sa ating kalikasan. Kasam sa mga epektong ito ang Climate Change at Global Warming.
Madalas ay inaakalang parehas lamang ang mga ito subalit hindi. Tumutukoy sa pangkalahatang init ng temperature ng mundo ang Global Warming . Dahil sa init na nalilikha ng mga teknolohiya na tinatawag na greenhouse gases, naiipon ang mga ito sa atmospera ng mundo at nakapagdudulot ng higit na init. Ang Climate Change naman ay ang pagbabago ng klima o panahon ng isang rehiyon ng mundo dahil pa rin sa greenhouse gases. Kung ating mapapansin, hindi na regular ang mga buwan ng tag-araw at tag-ulan sa ating bansa. Ito ay dahil sa Climate Change.
Dahil teknolohiya at siyensiya ang nagdulot ng Global Warming at Climate Change, teknolohiya rin at siyensiya ang tutulong na puksain ang mga ito. Kaya’t itatampok sa bahagi ng pahayagang ito ang mga siyensiya at teknolohiyang makatutulong sa pagbawas o pagpuksa sa Climate Change at Global Warming.

Anti-Climate Change
|
Upang Malabanan ang Global Warming
|