SPED Class for Kindergarten Fast Learners, SPED for the Deaf, pinaplanong buksan sa CTES
Pinaplanong magbukas ng Camp Tinio Elementary School ng dalawa pang Special Education Programs o SPED sa darating na pasukan sa Hunyo. Batay sa liham na ipinadala ng punong-guro ng Camp Tinio Elementary School na si Dr. Consuelo Rivera sa punong tagapamanihala ng Sangay ng Cabanatuan na si Dr. May Eclar, ipinahayag ng pamunuan ang pagnanais ng paaralan na magbukas ng Special Education for Kindergarten Fast Learners at Special Education for the Deaf. Kung sakaling makapagbukas ng SPED for Kindergarten Fast Learners, makukumpleto na ang SPED Program for Fast Learners na ipinapatupad sa paaralan. Matatandaang muling ibinalik ang pagpapatupad ng SPED for Fast Learners sa Camp Tinio Elementary School matapos itong mahinto dahil sa pagpapalit ng pamunuan ng paaralan. Magiging kauna-unahang paaralan naman sa ika-apat na distrito ang Camp Tinio Elementary School na magbubukas ng klase para sa mga mag-aaral na may kapansanan sa pandinig. Batay pa rin sa liham, ginawang basehan sa paghiling ng pagbubukas ng SPED for the Deaf ang talaan ng bilang ng mga batang may diperensiya sa pandinig sa Brgy Camp Tinio na nakalap noong nakaraang Census of Population. Napipisil namang magturo sa mga SPED for the Deaf ang bagong guro ng Camp Tinio Elementary School si Gng. Rubylyn Singian na may pagsasanay na sa pagtuturo ng mga batang may kapansanan sa pandinig. Hinihintay pa rin ang tugon sa liham ng Camp Tinio Elementary School hanggang sa mga oras na ito. |
Halos 300 libong pisong nalikom ng Camp Tinio Elementary School
sa patimpalak na Mr. and Ms. CTES, igugugol sa pagpapaganda ng entablado ng paaralan Inilaan sa pagpapaganda ng entablado ng Camp Tinio Elementary School ang naipong halaga sa patimpalak ng paaralan na Mr. and Ms. CTES. Sinisimulan na ngayon ang paggawa sa proyekto na paggugugulan ng halos tatlong daang libong piso. Ayon sa kapatás o foreman ng proyekto, paluluwangin ang perimeter ng entablado at patataasin ang bubong nito. Maglalaan din ng silid sa likuran ng entablado na maaaring gawing storage room o dressing room kapag may pagtatanghal. Maaapektuhan naman ng proyekto ang nakatayong hand washing facility sa likuran ng entablado na handog ng Department of Education dalawang taon na ang nakararaan. Ayon naman sa foreman, bagama’t matitibag ang hand washing facility, magtatayo na lamang ng panibagong istruktura sa likuran ng bagong entablado na maaaring magsilbing hand washing facility. Inaasahang matatapos ang proyekto ilang araw bago ang pagtatapos ng mga mag-aaral ng Camp Tinio Elementary School sa ika-24 ng Marso. |
10-point agenda sa edukasyon
|
NAT Performance, tumaas pa
|