Pantabas ng Sungay
Isang hakbang tungo sa pagbibigay ng karagdagang lakas ng loob sa mga binubuskang mag-aaral ang pagkakatatag ng Child Protection Committee (CPC) ng paaralan.
Bunsod ito ng polisiya ng Department of Education (DepEd) sa pagtatanggol at pagprotekta sa mga bata sa paaralan laban sa pang-aabuso, diskriminasyon, bullying at iba pang katulad na uri ng pang-aabuso at pananamantala.
Si Carlos ng ika-anim na baitang, hindi niya tunay na pangalan, ay isa sa 54 na mga naiulat na biktima ng bullying sa paaralan mula buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre. Dahil sa bagong Child Protection Committee na siyang didinig sa mga kaso ng pang-aabuso at bullying sa mga mag-aaral, tiyak na hindi lamang matatapos ang hinaing ni Carlos sa tuwinang payong natatanggap ng kaniyang bully, kahit pa paulit-ulit ang ginagawang pambubuska sa kaniya.
Mainam rin sa gawain ng komite ang pagsasangkot sa mga magulang sa pagdinig ng mga kaso. Makatuwiran lamang ito sapagkat kasama dapat sa pangunahing nagdidisiplina sa mga anak ay ang mga magulang. Maiiwasan sa ganitong paraan ang “pagpapastol” lamang ng mga magulang sa kanilang mga anak sa paaralan.
Naitakda ang mga karampatang parusa sa mga mapang-abusong mag-aaral batay sa Child Protection Policy ng DepEd. Magsisilbing punyal na tatabas sa kanilang mga sungay ang mga parusang nakahanda sa bawat paglabag at pang-aapi sa kapwa mag-aaral.
Ngunit kung katiwasayan ang pag-uusapan, hindi ba’t madali lamang naman sa ating mga mag-aaral ang mahalin at galangin ang =ating mga kamag-aral? Tayo ay nakatira sa isang tahanan, ang ating paaralan, at tayo ay magkakapatid. Gawin nating mapayapang komunidad ang ating paaralan na malayo sa mga pang-aabuso at magagawa natin ito sa pagsasabuhay ng gintong aral na “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin nila sa’yo.

Kapag Nasa Tuktok
|
Kapalit ng Isang Buhay
|
REBOLUSYON
ng Ang Hiyas, Tomo 5 Blg. 1
OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG CONCEPCION ELEMENTARY SCHOOL, PUROK NG TIMOG BALIWAG, SANGAY NG BULACAN, REHIYON 3
Batay sa pagsusuri, halos 30 milyong Pilipino araw-araw ang gumagamit ng Internet at social networking sites sa bansa. Isang patunay na napalaking pagbabago sa larangan ng komunikasyon at pagbibigay ng impormasyon ang nagawa ng ‘social media’.
Rebolusyong maituturing ang nagaganap sa larangan ng pamamahayag. Marami na sa atin ngayon ang ‘digitally literate’ kung kaya’t mabilis ang palitan ng mga balita, larawan, video, e-mail, tweet, at blog. Sa isang klik lamang maipapadala mo na ito sa buong mundo. Ang nakababahala ay ang pagsasamantala ng ilan sa paggamit ng social media at kawalan ng pagpapahalaga sa responsableng pamamahayag.
Nabago ng ‘digital age’ si Juan dela Cruz. Segundo na lang ang pagitan kung paano magbigay ng suhestiyon, komento o kuru-kuro at maging mga dokumento na nagbubunsod upang malito, magkagulo at mag-away-away ang netizens. Bagay na nakapanlulumo sapagkat tila nawawala sa sarili ang iba at tuluyang nagiging iresponsable sa cyberspace.
Nakitang paraan ng gobyerno na malunasan ang ganitong problema ang pagpapatupad ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 na naglalayong maunawaan natin ang mga paglabag at kaparusahan para sa mga abusadong gumagamit ng Internet at mga kriminal sa world wide web.
Kasangga rin nito ang pagpapaigting sa kampanya para sa Pampaaralang Pamamahayag hinggil sa Social Media Ethics na nararapat maunawaan at isagawang panuntunan sa malayang pamamahayag hindi lamang ng mga mag-aaral kundi lahat ng mamamayan sa bansa.
Tunay na ang paaralan ay mainam na punlaan upang itanim ang tama at wastong asal bilang responsableng mamamayan. Harapin natin ang katotohanan na kaakibat ng pamamahayag ay ang patas, tapat, at taos -pusong paglilingkod sa ating kapwa. Iwaksi natin ang masasamang gawain na magdudulot ng kapahamakan ng iba dahil lamang sa pasaway na paggamit ng makabagong teknolohiya.
Kailangan natin ng rebolusyon - responsableng rebolusyon sa asal, pag-uugali at moral kaakibat ng mas malawak na kaalaman sa larangan ng pamamahayag at bilang mamamayan ng ating bayan.