Kambal na Suwerte
Suwerteng maituturing ang mga magulang na biniyayaan ng Maykapal ng dalawang anghel na pumupukaw sa kanilang bawat guhit ng pagod at pahid ng lungkot. Masuwerte rin ang Camp Tinio Elementary School dahil inulan ito ng mga anghel na sa hinaharap ay magiging haligi ng ating bayan. Halina at kilalanin natin sila.
Mga anghel na ito’y mayroong lakas at kahinaan. Kaya’t magsisilbing kanilang tahanan ang paaralan upang mahubog kanilang kakayahan at malagpasan kanilang mga kahinaan.
KAMBALAM MO BA?•Kahit kambal na magkamukhang magkamukha ay may magkaiba pa ring fingerprints.
•Ang mga magkadikit na kambal o conjoined twins ay maaring parehong babae o parehong lalaki lamang at hindi puwedeng babae o lalaki. •Sina Sam at Eng Chang ng Tsina ang kauna-unahang magkadikit na kambal na naitala sa kasaysayan. •Craniopagus ang tawag sa conjoined twins na ulo ang magkadikit. •Dalawang pares lang ng kambal ang pinangalanan sa Bibliya. Ang una ay sina Esau at Jacob na anak nina Isaac at Rebecca at ang isa naman ay sina Peretz at Zerah na anak naman nina Tamar at Judah. Ang kambal na trahedya
Lindol at bagyo Napapatatag tayo Kuwentong Kambal Kutsero Maraming kuwentong kutsero tungkol sa mga kambal. Huwag tayong palinlang upang hindi tayo maging mangmang.
KKK1 – Kapag ang buntis raw ay kumain ng kambal na prutas o pagkain tulad ng kambal na saging ay manganganak daw rin ito ng kambal na supling. Huwag itong paniwalaan pagkat ito’y kuwentong kambal kutsero lang. KKK2 – Sinasabing sa kambal, ang isa ay mabuti at ang isa ay masama. Ito’y walang katotohanan, huwag tayong maniwala. Sapagkat lahat ng tao ay likas na mabuting likha. Walang duda, kuwentong kambal kutsero ito. KKK3 – Ang mga kambal umano ay magkapareha sa lahat; sa hilig, hitsura, at kakayanan. Hep, hep, hep. Kuwentong kambal kutsero ito sapagkat lahat ng tao, kambal man o hindi ay natatangi. KKK4 – Kapag may sakit ang isa sa mga kambal, magkakasakit rin daw ang kakambal nito. Bulaan ito, kuwentong kambal kutsero. THY WOMB (Sinapupunan) “Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao!”
Ito ang walang kamatayang linya ng Superstar na si Nora Aunor sa isa sa kaniyang mga pelikula. At muli, himala ang kaniyang kailangan sakaniyang pelikulang “Thy Womb (Sinapupunan)”. Sa sinapupunan nabubuo ang supling, isa man ito o kambal at ito ang wala kay Shaleha (Nora Aunor) - ang kakayahang makabuo ng supling. Muslim na Badjao si Shaleha at kaniyang asawa na si Bangas-an (Bembol Roco). Dahil sa pagmamahal at pagnanais ni Shaleha na mabigyan ng anak ang kaniyang asawa, maglalakbay sila upang humanap ng ikalawang asawa ni Bangas-an na makapagbibigay sa kanila ng supling. (Sa mga Muslim ay maaaring magkaroon ng higit sa isang asawa ang mga lalaki.) At doon mag-uumpisa ang paglalakbay nila sa mga isla at hanggang sa baybayin ng Indonesia. Tunay ngang yaman tayong mga anak sa ating mga magulang. Buhay ang kanilang itinaya para sa atin. At sa mata ng batang tulad natin, masasalamin sa pelikula ang pagmamahal ng mga magulang sa kanilang anak sa simula noong tayo’y nasa sinapupunan pa lamang. Ang pagmamahal na ito ay dapat nating pahalagahan at ingatan. Pista ng mga Kambal
|
Kambal na Planeta Talaga? May kambal na planeta? Oo meron talaga! Itinuturing ng mga siyentipiko na kambal na planeta ang Mundo at ang Venus sa kanilang pagkakamukha sa sukat, bigat, density, gravity, at komposisyon.
Kung mayroon silang pagkakaparehas ay mayroon din silang pagkakaiba. Ang Mundo ay may plate tectonics na tumutulong upang mailabas ang init ng planeta samantalang ang Venus ay wala. Hindi puwedeng panirahan ang Venus na itinuturing na masamang kakambal ng Mundo sapagkat ito ay napakainit na may 461.85 C at siyang pinakamainit na planeta sa solar system. Wala ring tubig sa Venus kaya’t ito’y tuyong-tuyong lupain. Kambal na Trahedya Mapaminsalang bagyo. Kagimbal-gimbal na lindol
Ang dalawang trahedyang ito ang itinuturing ngayon ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRMMC) na kambal na delubyong naglagay sa estado ng bansa bilang isa sa mga mapanganib na lugar panirahan. Ang Pilipinas na natural na laboratoryo ng mga trahedyang dala ng kalikasan ay binibisita ng hindi bababa sa 15 mga bagyo taun-taon at mahigit 20 mga lindol sa iba’t-ibang panig ng bansa. Setyembre nitong taon ay naramdaman ang 7.6 magnitude na lindol sa Samar na sumira ng libo-libong kabuhayan at kabahayan at nag-iwan ng higanteng balat ng takot sa mga residenteng sinalanta. At nito lamang unang linggo ng Disyembre, libu-libong mga tao at ari-arian sa Davao, Compostela Valley at iba pang mga lugar sa Mindanao ang winasak ni bagyong Pablo at nagpamuot ng lungkot sa mga Pilipino. Gayunpaman ang mga pangyayaring hatid ng kambal na delubyo, nananatili tayong bumabangon. Ilang ulit mang padapain ay ilang ulit din tayong tumatayo, malakas at matatag. Sa oras ng kambal na trahedya lalo lamang nakikita ang ating pagka-Pilipino. Umaapaw ang ating pagiging matulungin at pagiging positibo sa buhay. Ang mga katangiang ito ang ating gahiganteng pananggalang sa anumang trahedyang ating kahaharapin na siyang magpapalis sa anumang mapaminsalang bagyo at kagimbal-gimbal na lindol. Kakambal ng GinhawaSi Toto ay pumasok sa paaralan
Libro at kuwaderno sa bag ang lulan Nakinig at lumahok sa talakayan Sa klase’y aktibo, daig sinuman. Sa hapon, pag-uwi niya sa buhay Takdang-aralin kaniyang ginagawa Iba pang aralin, binabasa Upang kinabukasa’y handa s’ya. Lumipas ang napakaraming taon Dating Toto ay mayaman na ngayon Nakapag-aral at nakapagtapos Nagsikap, nagtiyaga, at naghikahos. Si Toto, tunay na kahanga-hanga Kanyang ugali dapat ipamukha Dahil tulad ng kaniyang winika Lahat ng ‘to, kakambal ng ginhawa. Kambal na Ibon: Paano Gawin? Tayong mga bata ay mahilig gumuhit ng kung anu-ano sa ating papel. Upang masuportahan ang ating hilig, narito ang isang paraan ng pagguhit ng kambal na ibon. Kaya’t kunin na ang inyong lapis at pangkulay at sabay-sabay nating iguhit ang kambal na ibon.
Alamat ng Tuko Madalas tawagin ang dalawang taong palaging nakikitang magkasama at tila hindi mapaghiwalay bilang “kambal-tuko” katulad ng magkaibigang Tiko at Kitoy.
Magkasangga sa lahat ng bagay sina Tiko at Kitoy. Palagi silang magkasama mula umaga hanggang hapon bago gumabi. Sa paglalaro, pagkain, at pagtatrabaho ay magkasama ang dalawa. Subalit kapansin-pansin sa samahan ng dalawa ang pagiging pala-asa ni Tiko sa kaibigan niyang si Kitoy. Kapag naglalaro ay laging umaasa si Tiko na aayusin ni Kitoy ang kanilang mga laruan. Sa pagkain ay laging umaasang ipaghahain at ipagliligpit siya ng kinanan. Sa pagtatrabaho ay palaging si Kitoy ang laging inaasahang tatapos ng kaniyang gawain. Si Kitoy ang laging inaasahan at kinakapitan ni Tiko sa lahat ng bagay. Dumating ang isang salot sa bayan nila Tiko at Kitoy kaya’t kinailangang lisanin ng mga mamamayan ang kanilang bayan. Subalit ayaw umalis ni Tiko sa bayang kaniyang kinalakihan. Pilit siyang isinasama ni Kitoy sa kaniyang paglikas subalit matigas ang desisyon ni Tiko. Wala nang nagawa pa si Kitoy at naiwan si Tiko at nagkahiwalay ang magkaibigan sa unang pagkakataon. Lumipas ang maraming at lumipas rin ang salot na dumapo sa bayan nina Kitoy at siya ay nagbalik. Una niyang hinanap si Tiko. Ipinagtanung-tanong niya ito sa iba pang mga taong nagpaiwan sa bayan subalit ang tanging sagot lamang nila’y “Hindi namin siya nakita.” Nalungkot si Kitoy at ilang araw na nagmukmok sa kanilang lumang bahay kung saan madalas silang maglaro ni Tiko. Walang anu-ano’y may narinig na tunog si Kitoy. “Tuko! Tuko! Tuko! Hinanap ni Kitoy ang pinagmumulan ng tunog at natagpuan niya ang isang hayop sa kanilang bubungan. Ngayon lamang nakakita si Kitoy ng ganoong hayop. Hinawakan niya ito upang ilagay sa kaniyang palad subalit mahigpit ang kapit nito sa kahoy. Sa pagtitig niya sa hayop na mas malaki sa butiki ay napansin niya ang mga marka sa katawan nito na kawangis ng mga marka sa katawan ng kaniyang kaibigang si Tiko. Napaisip si Kitoy at marahil ay si Tiko ang hayop na kaniyang nakita. Inalagaan niya ito sa loob ng maraming taon at tinawag na Tiko. Lumipas ang maraming taon ay tinawag itong Tuko dahil sa tunog nito at ayon sa mga kuwento , namatay si Tiko sa panahon na may salot at sa lugar kung saan siya namatay ay lumitaw ang hayop na Tuko na kapareho ng katangian ni Tiko. |